Huwebes, Marso 1, 2012

Pagsusuri sa isang dulang pampelikula: Sagrada Familia


 PAGSUSURI SA ISANG DULANG PAMPELIKULA

Dulang Pampelikula: Sagrada Familia
Direktor: Joel Lamangan
Mga Tauhan:
·         Kat (Lovi Poe)-  Siya ang isa sa pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ay maraming pangarap sa buhay at kumukuha ng kursong pagkamanggamot nang biglang nagulo ang kanyang buhay noong gahasain siya ng kanyang ama.
·         Merli Asero ( Snooky Serna) – Siya ang ina ni Kat na naging OFW para masuportahan ang kanyang pamilya. Siya ay isang nurse dito sa Pilipinas ngunit noong pumunta siya sa ibang bansa ay naging caregiver.
·         Johny (Emilio Garcia)- Siya ang asawa ni Merli at ama ni Kat.
·         Gloria Diaz- Biyanan ni Merli kung saan niya iniwan ang kanyang pamilya noong siya ay pumunta sa ibang bansa.
·         Felix Roco- Siya ang kasintahan ni Kat.

Sinematograpiya: indie film : GRADED "A" BY CEB
Tagpuan: Ang tagpuan ay sa Pilipinas.
Sound and Lighting effects:
 Iba’t ibang mga himig at kanta ang ginamit sa pelikula na nagpadagdag sa “suspense” at ganda ng pelikula. Ang mga lighting effects naman ang nakatulong upang lalong maintindihan ang pelikula at dahil ang pelikula ay may mga pangyayaring kabastusan ay nakatulong ng malaki ang lighting at sound effects.

Pangyayari:
             Si Kat ay isang batang lumaki sa isang pamilyang mapagkalinga. Ang kanyang ina na si Merli ay isang nars at ang kanyang ama naman ay isang gwardiya. Ang kanyang ama ay lumaki sa isang di magandang pamilya na ang ibig sabihin ay may kaya ngunit walang pagkakaintindihan. Isang araw ay naimbitahan sila sa bahay ng ama ni Johny, ama ni Kat, at doon nagkaroon ng matinding away. Sa pag-uusap ng mag-ama ay nag-away sila at naitulak ni John yang kanyang ama. Nabagok ang ulo ng kanyang ama at naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang ninanais ni Jphny ay ang mapasakanya ang isang “set’ ng baril ng kanyang ama.
            Sa paglipas ng panahon ay kinailangan ni Merlin a pumunta sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa kanyang pag-alis ay maraming nabago sa kanyang pamilya. Si  Johny ay nagbago dahil na rin sa pag-aakalang siya ay iniwan at nalungkot siya ng sobra. Sa sobrang pagkalungkot ay nagawa niyang gahasain ang kanyang anak na si Kat. Si Kat ay may kasintahan at nang nalaman ito nji Johny ay galit na galit siya at nagawa niyang patayin ang kasintahan ng kanyang anak sa pamamagitan ng pagbaril. Paulit-ulit na nangyari ang panghahalay hanggang sa nagbunga ang kasamaan. Nadiskubre ito ng ina ni Johny ngunit hindi siya makapagsalita sapagkat tinatakot sila ni Johny gamit ang kanyang baril. Hindi rin makapagsumbong si Kat sa kanyang ninong na pulis sapagkat siya ay natatakot. Dumating ang panahon na kailangan nilang lumipat sa probinsiya. Paulit-ulit pa rin ang mga nangyayari.  Isang araw ay sa pagkauwi ni Merli sa Pilipinas, nadiskubre niya na nawawala ang kanyang pamilya. Pinilit niyang hanapain ang kanyang pamilya at natunton niya ang lugar kung saan  sina Kat at Johny nakatira. Gulat na gulat siya sa nakita. Ngunit bago siya pumunta roon ay humingi siya ng tulong sa ninong ni Kat na pulis. Namatay ang ninong na pulis ni Kat dahil siya ay binaril ni Johny. Dumating ang oras nang tumakas sina Kat ay saktong manganganak na siya at doon ay natunton sila ng kanyang ama. Dumating ang mga pulis at doon siya binaril.

Teoryang Pampanitikan:
·         Teoryang Realismo
Ang mga pangyayari sa pelikula ay tunay na nangyayari sa ilan sa mga pamilyang Pilipino. Marami sa mga magulang ngayon ang mas pipiliin na mangibang bansa at doon magtrabaho upang masustentuhan lamang ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.  Kahit na mahirap ang paglayo sa mga mahal sa  buhay ay kailangan sapgkat mahirap ang buhay dito sa Pilipinas. May mga pangyayari rin na dahil na rin sa pangungulila, ilan sa mga tao ay nagagawa ang hindi dapat gawin. Kung iuugnay ito sa kasalukuyan, maraming mga ama ang napapabalitang ginahasa ang kanilang sariling anak. Bakit nga ba ito nangyayari?  Nangyayari ang mga bagay na ito dahil na rin sa depresyon na nadarama at dahil na rin sa mga problema sa buhay.

·         Teoryang Feminismo
Dito ipinakita ang kalakasan at kahinaan ng mga kababaihan. Si Merli ay isang inang kayang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya ngunit dumating ang pagkakataong, natalo siya ng takot sa kanyang asawa. Sa isang babae, kalakasan niya ang kanyang pamilya ngunit kahinaan niya rin ito. Si Kat ay sumisimbolo sa mga kabataang labis kung magmahal at walang control sa sarili. Kung maaalala sa pelikula ay siya pa mismo ang nag-alok sa kanyang kasintahan na gawin ang hindi karapatdapat. Ngunit siya ay naging malakas kahit na sumuko siya ay lumaban siya upang mabuhay sa mundo.

·         Teoryang Humanismo
Dito ipinapakita ang kalakasan at kahinaan ng mga tao. Kahinaan ng mga tao ang sarili nilang emosyon kagaya ni Johny na hindi nakontrol ang kanyang emosyon kaya humantong sa pagkasira ng kanyang sarili pati na rin ng kanyang pamilya.

·         Teoryang Naturalismo
Lahat ng mga nangyayari sa tao ay dahil na rin sa pinili nila ang daan kung saan sila tutungo. Normal sa isang tao na harapin ang dpresyon ngunit natural sa mga tao na hahanap ng paraan upang maresolba ang kanyang problema. Isang magandang halimbawa nito ay ang paghahanap nina Kat ng solusyon sa kanilang problema sa pamilya. Kung may mga problema ay dapat harapin .

Aral o mensahe:
·         Lahat ng mga magulang ay kayang gawin ang lahat para lamang sa kabutihan ng kanilang mga anak.
·         Hindi magandang kunsintihin ang masamang ugali ng mga anak sapagkat baling arawa ay ito ang sisira sa kanila maging sa kanilang pamilya.
·         Ang mga gawaing masama ay nagbubunga rin ng masama, maaring buhay pa ang kapalit.
·         Magtiwala sa Panginoon sapagkat kahit na anong bigat ng problema, laging tandaan na lagi Siyang nandyan. Ang mga problema ay isang pagsubok upang lalong tumatag ang isang tao at magkaroon ng magandang pagbabago.

Rating:
 Ang pelikulang ito ay maaring bigyan ng 1 para sa rating. Bakit? Sapagkat nakuha ng pelikulang ito ang atensyon ng mga tao mula simula hanggang wakas nito. Sa bawat eksena nagkakaroon ng reaksyon ang mga tao, nagbibigay sila ng saloobin nila, iyong gusto nilang mangyari. Isang mgandang halimbawa nito ay ako na kapag nandyan na iyong tatay  ay sasabihin kong “ hala nandyan na,. Dapat kasi doon na lang sila dumaan. Ang bagal nila!” Ito ang ilan sa aking mga nasambit noong ako’y nanunuod. Oo, maraming mga mqallaswang eksena ngunit nakokontrol ito ng mga light effects at sound effects. Ang pelikulang ito ay nagmumulat sa ating mga Pilipino kung ano nga ba ang nangyayari sa ating lipunan, ang kahirapan na nagbubunga ng problemang hindi mo alam kung paano sosolusyunan at tumutulak sa mga taong lumayo sa mga pamilya at ilan sa mga taong gumawa ng masama.



























Dulang Panradyo: Baitang

Direktor: Alanigue, Arisga, Balang, Cereno, Reyes, Tusi : A301 Production and Direction
Mga Tauhan:
Hilary- Siya ay isang mayamang masama ang ugali.
Andoy- Isang mahirap na maganda ang ugali.

Tagpuan: opisina
Sound Effects:
·         Ang sound effects ay nakatulong ng pagbuo ng imahen kung ano nga ba ang nangyayari sa dulang panradyo. Ang tunog ng mga sasakyan at ang busina ng mga ito ang nakatulong sa nakikinig na may nangyaring aksidente kay Hilary. Ang mga kanta naman na ginamit ay nakakaantig sa puso at minsan ay nagbibigay senyales kung ano ang emosyon na napapaloob sa eksena. Ang tunog na pag-agos ng tubig ay nangangahulugang ibang araw o kinabukasan.

Pangyayari:
            Umagang-umaga ay nagagalit si Hilary sa kanyang mga tauhan sa isang kompanya. Siya ay isang taong mahalaga ang oras ngunit hindi niya nakikita ang mga ginagawa ng kanyang mga tauhan para sa kanya. Isang araw ay paalis siya sa kanyang trabaho. Wala ang kanyang driver kaya siya na lang ang nagmaneho. Siya ay naaksidente. Sa kanyang pagdidileryo ay nakita niya ang kanyang ina na nang-iwan sa kanya. Galit na galit si Hilary ngunbit nagpaliwanag ang kanyang ina at biglang naglaho. Sa pagkakaksidente ni Hilary ay humantong sa pagkakataong namatay siya. Sa kanyang pagkamatay ay nagkaroon siya ng pagkakataong mabago ang kanyang mga maling nagawa. Doon niya nakilala si Andoy na isang taong matiyaga sa kanyang buhay. Doon nakita ni Hilary ang tunay na kahulugan ng buhay at yaman. Wala sa yaman o laki ng bahay masusukat ang tagumpay ng tao kundi sa mga munting gawa na nagpapasaya sa kapwa tao.

Teoryang Pampanitikan:
·         Teoryang Imahismo
Ang teoryang imahismo ay ang pagbubuo ng imahe sa pamamagitan ng mga salitang ginamit ng awtor sa kanyang akda. Kagaya ng dulang panradyo na baitang, ang mgasalita at mga tunog na ginamit sa dula ay tumutulong upang bumuo ng mga imahen o hulagway sa isipan ng mga tagapakinig. Isa pa ay ang pagkakaroon ng isang pagkakataon ni Hilary upang baguhin ang kanyang mga masasamang ginawa noong siya’y nabubuhay pa.

·         Teoryang Realismo
Ang mga pangyayari sa dula ay nagpapakita ng mga tunay na pangyayari sa buhay. Isang magandang halimbawa nito ay ang konsepto natin ng pagiging “boss” at tauhan lamang. Sa trabaho inaasahan na natin na ang boss ang laging nasusunod at minsan ang mga ‘boss” ay hindi nakikita ang “effort” ng kanyang mga tauhan sa trabaho. Kung masama ang isang tao sa kanyang pakikitungo ay siya rin ang sama ng tingin ng kapwa sa taong masama.  Isa pa ay ang pagkamatay ni Hilary. Hindi natin alam kung kailan at saan tayo mamamatay. Ito ang misteryo sa ating buhay, ito ay isang katotohanang kailan man ay hindi natin matatakasan.

·         Teoryang Humanismo
Dito naipakita na ang tao ay sentro ng mundo. Ipinakita ang kalakasan at kahinaan ng isang tao. Maraming nabubulag sa tunay na kahulugan ng tagumpay at dito nagkakaroon ng mga di- pagkakaunawaan. Ang mga tao minsan ay nakuha na ang lahat ngunit hindi pa Masaya kagaya ni Hilary. Ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan sa mga taong nakapaligid sa atin na kung saan ay sila ang nagbibigay inspirasyon at lakas sa atin.

Mga Aral
·         Lahat ng mga ginagawa ng tao para sa iyo ay dapat bigyang pansin. Huwag puro mga masasama ang tignan kundi pati ang kabutihang kanilang ginawa.
·         Hindi kailangang mamatay at mabigyan ng pagkakataong mabuhay at  magbago dahil sa reyalidad ay hindi ito totoo. Habang nabubuhay pa ay huwag sayangin ang mga pagkakataon na makagawa ng kabutihan sa kapwa. Laging tandaan na hindi lahat ng pagkakataon ay alam natin kung anong mangyayari.
·         Hindi sukatan ng tunay na tagumpay ang laki ng bahay o ang madaming perang naiumpok sa bangko. Ang tunay na sukatan ng isang tagumpay ay ang pagtatagumpay na walang naaapakang ibang tao. Isang tagumpay ang pagkakaroon ng mga kaibigan at kapwang napapasaya mo at napapasaya ka rin.
“ Two things are hard on the heart- running up stairs and running down people.”

Rating:
·         7
Ang rating ay 7 sapagkat hindi gaanong maintindihan ang mga eksena dahil na rin sa paggamit ng maraming sound effects. Kung aral ang pagbabasehan, ipinapakita rito na sa lahat n gating ginawa ay may pagkakataong mabago pa ngunit hindi ba’t mas maganda kung habang maaga pa ay gawin na ang nararapat upang huwag magsisi sa huli. Ang mga boses ng mga nagsiganap ay hindi gaanong kasiya-siya pakinggan. Ang kwento ng dulang panradyo na ito ay maganda ngunit mas maganda sana kung binigyan pa ng “twist” upang huwag mabagot ang mga tagapakinig.














1 komento:

  1. Ito po ay isang halimbawa ng pagsusuring pampanitikan.. Ninanais po naming tignan niyo at magkomento hinggil sa kalakasan at kahinaan ng pagsusuri. Maraming salamat po.

    TumugonBurahin